Barangay Mahayag
Luntian Maharlika Amihan
Maraming punong kahoy, sariwa ang hangin, at higit sa lahat tahimik. “Ngunit ang magandang kapaligiran at ang nakakabinging katahimikan ay may nakabadyang panganib.”
Marso 13, 2005, lingo, pasado ala-una ng hapon, binasag ang katahimikan ng malalakas na ulan ng mga bala sa pagitan ng Arm Forces of the Philippines at New Peoples Army sa isang maliit na barrio. Isa ang patay sa hanay ang mga AFP, habang walang natamaan sa pagitan ng mga NPA.
Nanghuli ang mga milirary ng mga pinaghihinalaang NPA, pito ka katao, tatlo nito ay mga menor de edad.
Mga Biktima
“Sa dikalayuan sa pinangyarihan ng putukan, kunsaan ang ating paglalakbay ay magsisimula, sa bahay ni Leah.”
Mga ala-una ng hapon, madaling lumabas ng bahay sina aling Leah at ang kanyang pamilya, pumunta sa bahay ng kapatid na si aling Alberta ng makarinig sila ng malakas na putokan malapit sa bahay nila. Patuloy parin ang putukan kahit nakarating na sila sa bahay ng kanyang kapatid.
Bandang alas-tres ng hapon ay luminaw na ang paligid, wala ng putukan, kaya naisipan ni leah na bumalik sa bahay nila para kumuha ng pagkain dahil hindi pa sila nagtatanghalian.
Sinamahan siya ng kanyang kapatid na si aling Alberta at ng kanyang tiya na si aling Juana. Pagdating nila sa bahay ay bumulantang kaagad sakanila ang mga nagkala na gamit sa bahay nila. Ang pitaka ni alingLeah ay natagpuan na niya malapit sa pintuan ng bahay. Habang ang kanilang mga damit ay nagkalat na kung saan-saan.
Kaya madali silang lumabas ng bahay, ngunit naabutan sila ng mga military. Tinawag sila ng isang army. Pinalapit sila sa mga ito. Kaya naman ay madali silang lumapit sa mga army. Ngunit nangyari ang hindi nila inaasahan. Paglapit agad nila sa mga ito ay kabikabilang sampal at sapak ang inabot nila. Sa makatuwid ay binugbog sila ng mga ito.
Tinanong din sila kun mga NPA bad aw sila, bakit daw hindi sila nagsusumbong na may tunnel na ginawa ang mga NPA. At bakit daw hindi sila sinabihan na may kampo ang mga NPA malapit sa bahay nila. Tinwag silang mga supporters ng NPA.
Ngunit nagpaliwanag sila aling Leah, kahit malapit lang daw ang bahay nila sa may Tunnel ay hindi nila alam na may Tunnel doon, dahil hindi naman daw sila sumuopunta doon dahil masukal na lugar doon. At saka hindi naman nila lupa iyon, bakit naman daw sila pupunta doon. Sakasamaang palad ay hindi nakinig ang mga military sa kanilang paliwanag.
Mayamay ay dumating ang chairman sa organisasyon nila sa MAFA (Mahayag Farmers Association) na si Maria Luna. Pumunta siya sa lugan malapit sa putukan para makibalita sa nangyari. Ngunit dirin niya inaasahan ang sumunod na mga pang yayari. Nakita rin siya ng mga military at nakatikim din siya ng mga pasakit sa kamay ng mga ito. Tinanong din siya kung NPA ba siya.
Maya-may ay dumating si mang Pepe kasama si Nelson 12 taong gulang, kukunin sana nila ang kalabaw na iniwan sa may Sitio Olotan. Pero nang dumaan sila malapit sa bahay ni Leah ay tinawag sila ng Army. At tulad ng iba din rin nakaligtas si mang Pepe ang naranasan nila aling Leah sa mga kamay ng military. Tinanong din sila mang Pepe at nelson kung mga NPA ba daw sila
Kasama nila aling Leah, aling Alberta at aling JuanaJuana ay inipon sila sa isang lugar. Pagkatapos ay biglang nagpaputok ang armalite ang isang army, inubaos pa ang isang magasin ng bala. One inch lang ang layo sa paa nila at tiyak na mahahagip na ito ng bala.
Pagkatapos dumating sina Josefa 16 taong gulang at Crispin 8 taong gulang, malapit sa bahay nila Leah, dahil inutosan sila ng nanay nilang kumuha ng gulay sa may Sitio Olotan. Tulad din ng iba ay nakita sila ng mga military at pinalapit sa kanila. Tinanong sila kung mga NPA ba sila, tumanggi ang mga bata. Tinawag ng mga military ng Kumander Lina si Josefa, dahil siya membro ng isang organisasyon ng mga kabataan (anak bayan). Pero tumanggi ang dalaga na siya ay si Kumander Lina.
Isinakay sila sa luob ng canter, kasama nila ang patay na katawan ng isang army. Tinakot sila na hanggang ala-sais na lang sila ng gabi at itatabi na sila sa kasa mahan nilang army na namatay. Nataakot silang lahat, lalo na ang mga bata.
Nagrequest sila na dumaan muna sila sa bahay ng barrio captain, para masabihan siya ns hinuli sila ng mga military. Ngunit wala sa bahay ang brrio captain kay idiniretsop na sila sa Police Precent I para imbistigahan, hindi raw sila magtatagal at pakakawalan sin dila, sabi ng isang military.
Pagdating nila doon ay i-ninterview sila ng mga taga media. Ngunit taliwas sa sinabi ng isang military na pakakawalan agad sila ay I-nidetained sila, apat (4) na araw ang mga bata sa loob ng kukungan habang limang (5) buwan at dalawang (2) araw naman ang mga matatanda. Kinasuhab sila ng illegal possession of explosives at murder.
Sa ngayon ay na dismiss na ang kaso, pero pangsamantala parin ang kalayan ng mga bata.
Marami pang kagaya nila Leah, Juana, Alberta, Pepe, Nelson, Josefa, at Crispi. Ang iba ay mas kalunos-lunos pa ang kanila naranasan sa mga kamay ng isang pasistang gobyerno Ang militarisasyon sa kabundukan ang siyang nagpapahirap sa mga kababayan natin, na siyang gumubuo sa 75% ng ating populasyon, ang mga magsasaka.
IBAGSAK ANG MILITARISASYON SA KABUNDUKAN!
IBAGSAK ANG PASISTANG GOBYERNO!
IBAGSAK ANG REHEMING US-MACAPAGAL ARROYO!
IPAGLABAN ANG MASANG API
MAKILAHOK AT LUMABAN IPAGTANGGOL INANG BAYAN!
Note: Ang mga pangalan ng mga biktima ay sadyang pinalitan para na rin sa kanilang siguridad.
Sources: FFM conducted by KARAPATAN Central Visayas and Katungod
No comments:
Post a Comment